AKTIBISTA nuon, BURGES ngaun
unang bahagi
1994, 2nd sem, nobyembre, sa kasagsagan ng init ng araw habang pumapalahaw ang masaganang sigaw ng kapwa ko kabataan nuon sa pagbagsak ng rehimen... "IMPERYALISMO IBAGSAK!" habang ang iba naman ay nagpapaliwanag ng kasalukuyang isyu sa mga bagong kaanib, nagpupulong naman para sa mga darating pang pagkilos-protesta ang ibang kasama, at natural na din ang palibot na vendor na sia nmng sinasamantala ang pagkauhaw nmn... yan ang mukha ng buhay ko nuon... REWIND
1st year, first sem, bagong pantalon, uniporme at hanep sa hagod ng gel, naglalakad ako sa pasilyong dun ko lang nakita ang walang kwentang pamantasang may malaking nakapaskel na NO SMOKING samantalang ang gwardiya mismo ay naninigarilyo sa tapat ng signage na un. para akong nasa preso hindi pa din pala organisado dito, napasok ako sa kwartong ako lang ata ang nakauniporme, lintik! habang sabay sabay silang tumingin at sinasabing "welcome, inmate!". dito ko agad sumagi sa isip ko na ang buhay ng tao ay hindi pantay pantay, merong rumaraket sa amin ng nagtitinda ng yosi, mani, mais, blubook, etc para lang sa pagtawid ng kanyang pagaaral. meron din nmng pa-lovers na parehas na ata lahat ng pinag-examan ng mga ka-klase kong eto para lang maging magkasama sila, nakita kong hawak ko pa pala ang biblia, ow shet! inisip ko na lang ang babalikan ko mamayang tirahan, isa pang mala presong lugar, KUMBENTO! HIndi naman ganun kahirap sa loob, pero pride ata sa iba na sabihing nasa seminaryo ka habang nagaaral ng accounting... layo ng hulog, accounting con seminarian, pero yun tlaga e. una pa lang nandian na ang kilos protestang kinagulat naming lahat habang ang iba ay tuwang tuwa sa pagsuspende ng klase... nilapitan ko ung taong humpak ang pisnging aktibista at kinausap ko, nagpakilala at nakipagbalitaktakan, duon ko nalamang parehas ang turo ng simbahan at ng kilusan, sa pananamantala ng burgesya komprador. hindi na ako nagtaka kung nong sumunod na semester e kasama na ako sa Raliyista...
Kasagsagaan ng isyu ng GATT nuon, habang inaantay ang pagboto ng ilang mambabatas sa ratipikasyon ng naturang tratado(treaty), hindi maalis ang tension ng KY sa unit ng kabataan at ilan pang sector na pilit pumapasok sa batasan... isa lang ang sagot nuon ng pasistang KY ang bombahin kami ng tubig at tapunan ng tear gas... naiiyak ako habang iniisip ko na ang gawi nila ay gawa ng isang tuta ng kano, nakakahiyang isipin pero tauhan pa rin tayo ng punyetang impe... umuwi kaming pagod at puno ng paliwanag sa mga kasamang na-dedemoralize sa pagkilos. iniwan ko ang seminaryo at sumama sa pwersang hangad ay kalayaan, mahirap magorganisa sa pyudal na lipunan at hineheleng burgesya... hanggat binabansot at pinaiiral ang monosopniya na ang G7 ang siang nagtatakda ng presyo, ang bansang nangarap na tigre ay pusa pa rin. Hindi ako natigil dun, lumubog kami sa mga union na may strike, kung hunger strike sila kasama kami dun pero hindi ko maaalis ang pagiging burges dahil pagalis ko ng picket, tutuloy ako sa malamig na mall at mag-weWENDY's. Ironic sabi nga nila, pero hindi isang bagsakan lang ang pagbabaka natin sa sarili. Iniwan ko ang accounting, nagshift sa economics hinasa ko ang buhay ko sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung para mapalapit ako sa masa at iugnay ang kasalukuyang kalagayan natin, mala-kolonyal at mala-pyudal pa din tayo. maraming natatawa pero mas natatawa ako sa taong natawa dahil sila mismo ay ignoranteng biktima. habang may tatsulok at sila ang nsa tuktok hindi mababago itong gulo...
10 taon na pala ang nakaraan, pero amoy ko pa din ang dyaryong inupuan, ang mojong tsinelas ay matibay pa din, ang bandilang pula na may alibatang i(k sa makabagong salita), ang rolling store na kasama sa lahat ng rally at si KA CHINO na walang humpay sa pakikinig habang may programa sa mendiola. hindi dun natapos ang dahil umakyat pa ako sa itaas...

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home