Thursday, September 23, 2004

AKTIBISTA nuon, BURGES ngaun
pangalawang bahagi



1996, disyembre, Central Luzon ang una kong BMI(basic mass integration), nasanay na kausap ang magsasaka at makipamuhay sa kanila, walang kanin sa itaas dahil mais ang ginawa naming kanin, kadalasang sakit ng mga NPA ay malaria kaya pag may YS na nsa itaas na dumalaw animo'y pasko... Mahirap kumilos sa itaas, mas maraming pagaaral at pagpapasensia, ang hindi ko ginagawa sa lungsod ay dun ko ginagawa, pinagsaka dinkami dahil bahagi un sa tungkulin namin, hindi pa naman ako ganap na pulang mandirigma dahil katakot-takot na assessment ang dadaanan bago maging lubos na kadre... mas madaling mamasyal sa itaas sa panahon ng pasko, bukod sa ceasefire, anibersaryo pa eto ng PARTIDO... kung ang napapanuod mo sa pelikula, MILIT ang bida, dito iba ang tagpo, mas takot ang tao sa MILIT kumpara sa amin. naaalala ko nuon na tumigil kami sa paglalakad para magpahinga, may nakita akong bungkos ng saging pero hindi pedeng galawin. tres-otso ang tawag namin dito, ang lahat ng bagay ay may pahintulot ng may ari o ng masa. tiniis ko ang gutom, nanghina... iniwan ako sa isang masa para ibaba sa bundok. mahirap pala talaga dito, sumagi sa isipan ko pano kaya kong ang tiyuhin ko ang nakita kong nagsosona sa bundok, babarilin kaya nia ako? alam ng mga kasama na galing ako sa pamilyang MILITAR, pamilyang puno ng diktaturya at pasistang paraan...
Natapos ang paghihimay ko nuon ng biglang may putukan sa di kalayuan... hinahanap ang mga estudyanteng prumenteng mga researcher, napagalaman kseng nagsumbong ang isang nanay ng isa naming kasama at pilit kaming kinukuha... TANGINA KAMI YUN, isa ako sa nahiwalay gawa ng aking kalagayan... napandaan ang ronda sa bahay na aking tinuluyan, balot na balot ako ng kumot sa taas ng lagnat, hinalughug ng militar ang bawat bahay habang ako nama'y nakahiga at sa likod ay M16, hindi biro ang mahiga sa bagay na sa tingin mo ay pumuputok, inisip ko na lang na ang bago dumating ang pasko, petsa ng kaarawan ko ang unang dadaanan, wlang pasko pag hindi ako nagdiwang... sampung taon na pala talaga ang nakalipas... maliwanag pa din ang mukha ng taong kumubkob at naputol ang lahat ng alaala ko sa pagpasok ng isang call mula sa U.S., "thank you for calling customer service..."

ngaun ko naisip, hindi pa din tayo malaya!

1 Comments:

Blogger fionski said...

Siguro ganda na ng American accent mo? Hehehe. May gmail ka na?

1:45 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home