Sunday, September 12, 2004

makulay na kwento ng utot

ang kulay ng utot ay iba iba, mahika mo itong matatawag pag nakita mo na nga. pero ang tanong meron nga ba? ang sagot depende sa lalanghap ng utot, pansamantala ka munang ihehele ng impit nitong tunog at mapangkutyang amoy. tatama eto sa utak nating magtratransmit sa ating katawan ng kunting nginig at ibayong pagmumura sa lahat ng lenggwahe! ngunit sa karagdagang kaalam na rin natin, kung ang utot ay inipon mo sa 100,000 na baso mistula po itong bomba atomika! walang halong biro manuod ka ng tv(national geographic).

ngaun namangha ka sa impormasyong nakita mo, balak mo nang ibenta ang utot mo sa mga terorista at maging kasangkapan sa pagpapasabog. ilang milyong pilipino ang dugyot o di kaya ay i-komisyon ang bawat pagutot sa bawat tahanan at idonate sa gobyerno, upang gawing inerhiya na din. tipid pa tau sa kuryente walang ibang puhunan kundi ang pagkain ng kamote!

dito natin iipitin ang exportasyon ng kamote at i-karir ang pagutot. kung merong outsource industry just to fart malamang na kalahati o higit kaya ay employed. o customer service ng farting... at pano nmn kaya ang spiel? "thank you for calling fart services, how may help u today" naks call center na call center ang dating... eto nmn ang sagot ng caller na sutil "how can my fart last for 15 seconds?"

kung sa tingin nio walang kayang gumawa nian itanong mo kung ano name ng kasama ko sa trabaho! ganito un, anim kami sa elevator habang pababa kami for yosi break, biniro nmn siang iiwan sa 7th floor pag huminto pero hindi kami tagumpay sa pagtulak sa kanya sa kadahilanang malaki sia(as in) at bilang pag-ganti sa amin umutot ang PUTANG ina na halos un ang maging hininga nmn sa buong gabi! wala na akong naalala!



4 Comments:

Blogger Tanggero said...

Paborito talaga ang topic na utot. Gud luck na lang sa pag-iipon ng utot, do-donate ako minsan!

11:52 PM  
Anonymous Anonymous said...

creative. you're indeed using your imagination. you have a candid and flowing writing style which can be funny, witty and poignant. keep up the good work.- your secret admirer

7:39 AM  
Anonymous Anonymous said...

nakakatuwa ka, a unique and creative way of showing humor.... what a talent

1:18 AM  
Anonymous Anonymous said...

nakakatuwa ka, a unique and creative way of showing humor.... what a talent

1:18 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home